top of page

Panalangin Para Sa Darating Na Eleksyon

MAKAPANGYARIHAN DIYOS AT AMA, ipinagkakatiwala namin sa Inyo ang darating na eleksyon sa Mayo 13, 2019.  Idinudulog namin sa Inyo ang isang malaya, mapayapa, at maayos na eleksyon na naaayon sa Inyong kalooban. Ipagkaloob po Ninyo na ang kampanya para sa eleksyon ay tumalima sa mga batas at tuntunin para sa mga kandidato, sa mga partido at pati na rin sa mga botante. Kasama po dito ang pagganap sa maayos na tungkulin ng mga angkop na ahensya ng pamahalaan katulad ng COMELEC at ng PNP.

 

Ama sa Langit, nawa’y pagkalooban ng Banal na Espiritu Santo ang mga botante ng inspirasyon at karunungang iboto ang mga kandidatong mayroong takot sa Diyos, makatotohanan, mayroong kakayanan sa tungkulin, nakatuon sa tapat na

paglilingkod, at ipinapairal ang naaayon sa batas. Huwag po Ninyong pahintulutang maimpluwensiyahan ang mga botante sa takot na dulot ng karahasan, o sa suhol ng salapi.

 

Idinadalangin namin ang lahat ng ito, sa pangalan ni Hesus, Amen!

bottom of page